Walang bagyo pero tila dinaanan ng unos ang isang night market sa Davao City.

Makikita sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo na halos tangayin ang lona ng mga stall at nagkumahog ang mga vendor sa pagligpit ng mga gamit.

Ilang paninda ang tinangay raw ng hangin.

Walang napaulat na nasaktan at balik-operasyon ang night market nang humupa ang hangin. Ayon sa PAGASA, localized thunderstorm ang naranasan sa lugar. — BM, GMA Integrated News