Namatay ang isang pulis matapos masagasaan sa San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng patrol car si Patrolman Edmond John Arenas nang bigla siyang mahirapang huminga. 

Nahulog ang pulis sa kalsada at nagulungan ng kasunod na sasakyang minamaneho naman ni Joel Rivera.

Mahaharap sa reklamo si Rivera. —KBK, GMA Integrated News