Natagpuan ang isang pugot na bangkay ng lalaki na nagpapalutang sa ilog ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Huwebes, tinataya ng pulisya na nasa edad 31 hanggang 45 ang biktima.

Nakasuot ng t-shirt at jogging pants ang lalaki.

Nakitaan din ng sugat sa kanang braso ang biktima.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima, na dinala na sa punerarya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News