Isang babae na 10-taong-gulang ang nasawi matapos na makapitan ng jellyfish habang naliligo sa dagat sa Araceli, Palawan.

Sa ulat ni Wilmar Abrea sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, sinabing kinumpirma ng Rural Health Unit ng Araceli ang nangyaring insidente nitong Linggo ng umaga.

ALAMIN: Ihi, puwede nga bang pang-first aid kapag kinapitan ng dikya?

Sinubukan pa umanong isalba ang buhay ng biktima pero hindi na nito kinasa ang lason mula sa dikya.

Unang kaso umano iyon ng jellyfish sting sa lugar.

Nakipag-ugnayan na ang RHU sa mga opisyal ng barangay para hindi na maulit ang insidente.-- FRJ, GMA Integrated News