Nakaligtas ang isang retiradong seaman at resort owner sa pamamaril sa kaniyang bahay sa Sto, Domingo, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, inilahad ng biktimang si Reynaldo Robiniol na nasa garahe siya nang mangyari ang pamamaril sa kaniyang bahay sa Barangay Calautit.

Sa kabutihang palad, hindi tinamaan ang biktima ngunit tinamaan ng mga bala ang kaniyang sasakyan.

Walang ideya ang biktima sa posibleng motibo sa pamamaril.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News