Sinagip mula sa pagkakaipit ang isang konduktor ng bus matapos sumalpok ang bus sa isang nakaparadang trailer truck sa Carmen, Davao del Norte Sabado ngayong madaling araw.

Dead on the spot naman ang driver ng bus.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, sabi ng pulisya na nakaparada sa gitna ng kalsada ang truck matapos masiraan ng makina.

Kahit naka-hazard ang truck at may early warning device sa daan, posible umanong nabulaga ang driver ng bus dahil kaunti ang ilaw sa daan doon.

Patuloy na inaalam kung sino ang may pananagutan sa nangyaring aksidente. — BM, GMA Integrated News