Nahuli ng mga mangingisda ang tone-toneladang isdang bangkulis sa Ligao, Albay.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapapanood na kaniya-kaniyang kuha ang mga residente ng mga isda sa Brgy. Catburawan.

Tumulong sila sa paghila ng mga lambat na puno ng bangkulis, saad ng uploader ng video.

Sagana ang dagat sa naturang barangay sa isdang dilis, na nagsisilbing pagkain ng mga bangkulis.

Nakatulong din sa pagdami ng mga isda ang pagbabawal ng ilegal na pangingisda sa lugar. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News