Nagliyab ang isang motorsiklo sa gitna ng highway matapos na posibleng mag-overheat ang makina nito sa M'lang, North Cotabato.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nakaligtas ang driver matapos siyang makalayo mula sa kaniyang motor.

Sinabi ng ilang saksi na biglang umusok ang motor habang tinatahak ang direksyon papuntang Kidapawan City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection tungkol sa sanhi ng nasabing sunog. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News