Isinugod sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos matuklaw ng green pit viper sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng Bontoc MDRRMO na Sabado noong nangingisda sa ilog ang lalaki ngunit hindi napansin na nakatago sa mga halaman ang ahas.

Matapos tuklawin ang lalaki, agad namaga at bumigat ang kaniyang kamay.

Peligroso ang makagat ng green pit viper dahil malubha ang kamandag nito. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News