Patay na nang madiskubre ang bangkay ng isang babae na pinagkasya sa loob ng isang icebox sa Trece Martires City sa Cavite.

Ayon sa Philippine National Police's Police Regional Office 4A (PRO 4A), nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad tungkol sa bangkay na nakita sa loob ng icebox sa Barangay Hugo Perez nitong Miyerkules.

Nakilala ang biktima na si Mari Joy Singayan, na naniningil umano ng pautang sa suspek na kinilala na isang "Willson.”

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin umano ng suspek sa asawa na aksidente niyang napatay ang biktima sa sakal, at inilagay niya sa icebox.

Tumakas umano ang suspek, pero nadakip na ng mga awtoridad, ayon kay PRO 4A spokesperson Police Lieutenant Chitadel Gaoiran.— mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated NewsNews