Nagtamo ng sugat ang isang 52-anyos na babae nang gilitan ng kaniyang kasintahan gamit ang cutter nang dahil umano sa selos sa Talisay City, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabing isinugod ang biktima sa ospital.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek, na hindi nagbigay ng pahayag. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News