Nakaranas ang ilang residente ng pag-ulan ng yelo o hailstorm sa isang barangay sa Lingayen, Pangasinan.Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing umabot ng ilang minuto ang hailstorm sa Barangay Dulag.Batay sa video na kuha ng isang netizen, kasinglaki ng butil ng mais ang mga piraso ng yelo.Sa kabila nito, wala namang naitalang nasugatan o napinsalang ari-arian mula sa hailstorm.Paliwanag ni PAGASA Dagupan station chief meteorologist Jose Estrada Jr., normal na nagaganap ang hailstorm tuwing may thunderstorm lalo kung mainit ang panahon.Maaari pa itong maulit sa mga darating na araw matapos makapagtala ng mataas na temperatura ang probinsya.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News