Nasawi ang isang 6-anyos na babae nang makuryente matapos magsaksak ng charger ng cellphone sa outlet sa Cadiz, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing naganap ang insidente sa bahay ng pamilya ng biktima.

Sinabi ng tatay ng biktima na nakita niya noong may hawak na cellphone ang anak.

Hanggang sa biglang sinaksak ng bata ang charger ng cellphone sa outlet. Gayunman, dumikit ang daliri ng bata sa bakal na bahagi ng saksakan.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na nailigtas. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News