Isang van na maghahatid sana ng karga nitong bangkay ang nagliyab habang nasa kalsada sa Amlan, Negros Oriental.Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang video nang magsibabaan ang mga pasahero ng van matapos itong mag-umpisang umusok.Makaraan lamang ang ilang minuto, nagliyab na ang van.Naibaba naman ang bangkay bago pa natupok ang sasakyan, habang ligtas din ang iba pang sakay nito, kasama ang mga kamag-anak ng kargang labi.Lumabas sa imbestigasyon na baterya ng sasakyan ang pinagmulan ng sunog.Ayon sa driver, naramdaman niya noon na umiinit ang driver's seat kaya agad nilang sinuri ang sasakyan.Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News