Kahit may mga naibalita nang insidente tungkol sa peligrong idinudulot ng pagtuturok ng petroleum jelly at baby oil sa ari ng lalaki para lumaki, mayroon pa ring mga nangangahas na gawin ito. Narito ang mga panibagong kaso na tinutukan ng programang "Kapuso Mo Jessica Soho."

Sa special report na ito, lakas-loob humarap ang limang lalaki at ikinuwento sa "KMJS" ang kalbaryong kanilang pinagdadaanan dahil sa kanilang ginawa sa maselang bahagi ng kanilang katawan dahil sa paniwalang "size does matter."

Ang magandang resulta ng pagtuturok ng petroleum jelly at baby oil sa ari sa simula, kinalaunan ay magiging bangungunot dahil unti-unti nang mararamdaman ang sakit dulot ng mga komplikasyon, na kung mamalasin ay maaaring pang ikamatay ng tao.

Tunghayan at matuto ng leksyon sa kanilang kuwento. Pero paalala, maselan ang pagksang pag-uusapan sa video.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News