Naging viral kamakailan sa social media ang pintor na si Mang Larry sa Iloilo City dahil sa paglalako niya ng kaniyang obra sa kalsada para matustusan ang pagpapa-dialysis ng kaniyang misis. Katunayan, maging ang Kapuso star na si Heart Evangelista ay bumili ng kaniyang obra bilang tulong sa mag-asawa.

Sa programang "Front Row," napag-alaman na kailangan nang magpa-kidney transplant ng misis ni Mang Larry. Pero dahil sa kawalan ng pera, nagpapa-dialysis na lang ang kaniyang asawa ng dalawang beses sa isang linggo.

Pero kung tutuusin, tatlong beses dapat sa isang linggo ang pagpapa-dialysis ng asawa ni Mang Larry, ngunit hindi rin nila kayang tustusin ang ganito kadalasan na proseso.

Tunghayan sa video na ito ang kuwento ni Mang Larry at kung papaano niya tinitiis ang lahat ng hirap para sa pinakamamahal niyang maybahay. Panoorin.

Kasabay nito, hindi makapaniwala si Mang Larry na ang kanyang paglalako ng mga obra sa kalsada ay magiging viral sa social media. At magiging daan para mapansin siya ng aktres na si Heart Evangelista na bumili ng kaniyang ilang obra.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News