Pag-ubo, pagkakaroon ng plema at pangangati ng lalamunan -- halos pareho lang umano ang mga sintomas ng isang tao na may asthma at isang may COVID-19. Paano nga ba matutukoy kung asthma o COVID-19 na ang nararamdaman?

Sa "Unang Hirit," ipinaliwanag ni Dr. Maricar Limpin, pulmonologist, na may kahirapan na tukuyin ang mga may upper respiratory symptoms ng hika at ang mga mayroong COVID-19.

Gayunman, sinabi niyang mas mataas na ang risk ng mga may hika sa COVID-19 dahil may inherent respiratory disease na sila.

Nagpaalala ni Dr. Limpin, mahalagang isagawa ang "extreme" social distancing lalo na ang mga taong na may hika upang hindi mahawa sa infected na tao. Makatutulong din umano kung gagamit ng face mask.

Alamin din ang ilang paraan para makaiwas sa sakit sa ginawa nilang pagtalakay sa naturang paksa. Panoorin ang video.--Jamil Santos/FRJ, GMA News