May mga beshie na katulad ni Katrina ang umiinom ng pills para lumaki ang dibdib para maging mas mukhang babae. Pero hindi lang daw lumaki ang kaniyang hinaharap, dahil nagkaroon din daw siya ng gatas.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabi ng nobyo ni Katrina na noong una ay inakala nilang nana ang likidong lumalabas sa suso ng kasintahan.

Pero nang minsan pasiritin ni Katrina ang gatas at tumama sa labi ng nobyo, nalasahan nito na manamis-namis ang likido na tulad sa gatas ng ina.

Hinala pa ng nobyo, baka babae talaga si Katrina dahil wala rin umano itong "Adam's apple."

Pero kung natuwa noon una si Katrina, nasamahan na rin ito ng pag-aalala nang makaramdam siya ng pagkahilo at pananakit ng ulo.

Ano nga ba ang nangyari kay Katrina at may likidong tila gatas na lumalabas sa kaniyang dibdib? May kondisyon kaya siyang tinatawag na "Adenoma" kaya nagkaroon siya ng"prolactinoma" o pagkakaroon ng kagas sa dibdib?

Alamin ang paliwanag ng duktor at ang resulta ng ginawang pagsusuri kay Katrina. Panoorin ang video ng "KMJS."

--FRJ, GMA News