Nagsimula lamang sa P500 na puhunan, lumaki at naging unli chicken wings restaurant ang negosyo ni Edric Del Rosario. At resulta, nakapagpatayo na siya ng bahay at nakabili na rin ng  sasakyan.

Sa programang "Pera Paraan," ikinuwento ni Edric Del Rosario, may-ari ng Wings Food House, na kumita sila ng P50,000 sa loob lang ng isang araw noong Pebrero 14, 2021.

Tiniis daw noon ng 50 hanggang 70 na katao ang dalawa hanggang tatlong oras na paghihintay sa kanilang restaurant.

Dahil sa kanilang negosyo, nakapagpatayo na ng apat na bahay si Edric at nakabili na rin sila ng kotse.

Sa ngayon, plano nilang magtayo pa ng ibang branch.

Panoorin sa Pera Paraan ang sikreto kung paanong hindi nalulugi ang unli chicken wings business ni Edric, at ang kaniyang masarap na recipe.--FRJ, GMA News