Kilala ang Pateros sa isa sa pangunahing kabuhayan nito na pag-aalaga ng pato o iitik. Ang kanilang balut, may bagong twist dahil sinama na rin nila ang itlog pugo na tinawag na “Pugulot.”

Sa nakaraang episode ng “I Juander,” itinampok ang mas pinasarap pa na sisig sa Pateros na imbes na balat at taba ng baboy, sinahugan ito ng tokwa, itlugan o bahay-guya ng manok, tinustang laman ng itik, at sinamahan pa ng pugulot.

Ngunit hindi gaya ng mga karaniwang balut, hindi umano mapapansin na may sisiw ang kakaining pugulot dahil na rin sa liit nito.

Mayaman man sa protina, mayroon ding natural fat at cholesterol ang mga sangkap nito.

Kaya naman may paalala na maghinay-hinay sa pagkain nito dahil “scary combo” ang mga sangkap na pamutok-batok.

Kumasa kaya ang mga dayuhan sa pagkain ng pugulot kahit marami ang nacha-challenge sa pagkain ng balut dahil sa sisiw? Panoorin ang video. – Jamil Santos/FRJ GMA News