Nagbigay ng babala ang isang psychic at feng shui consultant tungkol sa mga posibleng hindi magagandang mangyayari ngayong taon ng Metal Ox. Kabilang na dito ang posibleng lindol umano sa Metro Manila.

Sa programang "Unang Hirit," sinabi ni Madam Suzette Arandelapcy na may nakikita siyang lindol na may sukat na 6.5 at 7.5 na maaaring makaapekto sa Metro Manila, Bicol region, Quezon at Mindanao.

Magiging challenging daw ang taong 2021 at magkahalong good at bad ang maaaring maranasan sa bansa. Gayunman, asahan daw na mas magiging maganda ang taong 2021 kumpara sa 2020.

Dahil magiging mahina umano ang mga fire at wood ngayong 2021, maaari umanong maapektuhan ang emosyon ng mga tao.

Dapat daw mag-ingat ang mga mag-lovers tulad ng mga mag-asawa at magkasintahan dahil maaaring maganap ang hiwalayan.

Bantayan din ang emosyon lalo na sa mga nakararanasan ng kalungkutan at depresyon, at mag-ingat sa mga bibitiwang salita.

Pero anong mga mga zodiac sign naman kaya ang mas masuwerte ngayon taon? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News