Hindi pa rin makapaniwala sina Eva Eugenio at Imelda Papin na wala na ang kanilang kaibigan at kapwa Jukebox Queen na si Claire dela Fuente.

Pumanaw noong nakaraang linggo si Claire, tatlong araw matapos siyang magpositibo sa COVID-19 dahil sa komplikasyon.

"Shock pa kami. Parang hindi pa kami makapaniwala, hindi pa nagsi-sink in tottaly na wala na si Mareng Claire," sabi ni Eva sa programang "Tunay Na Buhay."

"I feel so sad," saad naman ni Imeleda.

Ibinahagi nina Eva at Imelda sa programa ang mga pinagsamahan nila ni Claire at kung papaano nabuo ang kanilang pagiging magkaibigan.

May inialay din silang awitin para kay Claire na siyang tinig sa likod ng ilang OPM hit songs tulad ng "Sayang," "Minsan- minsan," Nangingiti Ang Puso Ko," "Nakaw Na Pag-ibig," at "Baliw." Panoorin.

--FRJ, GMA News