Napagwagian na ni Angeline Quinto ang pakikipaglaban sa COVID-19 matapos siyang magpositibo sa virus noong Marso

Sa kaniyang vlog na naka-post sa YouTube, ibinahagi ng singer-actress na negatibo na ang resulta ng COVID-19 sa kaniya matapos ang 14 na araw ng quarantine.

“First time kong ipagpapasalamat na negative akong tao ," saad niya sa post.

“With the grace of God and all your prayers, I am healed,” dagdag ni Angeline. “Hopefully, I can inspire everyone that with the right frame of mind and faith in the Lord, we can survive this disease.”

Ibinahagi rin niya ang kaniyang COVID-19 journey mula sa ika-8 hanggang sa huling araw ng kaniyang quarantine.

Gumawa rin siya ng patnubay para sa iba batay sa kaniyang nickname na Angge.

“Always check your oxygen level, temperature, hygiene. No to stress and worrying. Get enough sleep and rest. Get in touch with doctor, family and friends. Eat healthy,” payo niya. — FRJ, GMA News