Tila gusto ring maglaro ng soccer ng isang pusang-gala sa Giresun, Turkey nang bigla siyang umeksena habang nakatigil pansamantala ang laro.

Sa video post ng Reuters mula sa footage ng beIN Sports Turkiye, sinabing sandaling nag-break ang laro sa laban ng Ankara Keciorengucu at Giresunspor.

Habang naka-"banana break" ang ilang manlalaro, mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang pusa at nagtuloy-tuloy sa field bago tumigil at umupo na parang may hinihintay.

Pero kahit natapos na ang break at tuloy na muli ang laban, hindi nakapaglalaro ang pusa dahil pinaalis na siya gamit ang wisik ng tubig.

Napangiti naman ang manlalaro sa cute na pusa. Panoorin ang video.

--Reuters/FRJ, GMA News