Simple pero puno ng pagmamahal ng isang ama ang mensahe ni James Yap sa kaniyang anak na si Bimby na nagdiriwang ng ika-14 na taong kaarawan.

Sa Instagram account ng basketball player, nag-post siya ng larawan kasama si Bimby.

“HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what!,” asad niya sa caption.

“Wishing you all the best that life can offer. God bless you,” dagdag pa niya James.

 

 

Si Bimby ay anak ni James sa dati niyang asawa na si Kris Aquino.

May iba na ngayong pamilya si James sa bilang ng life-partner na si Michela Cazzola, at mayroon na silang dalawang anak na sina MJ at Francesca. --FRJ, GMA News