Ibinahagi ng stand-up comedian na si Ate Gay na nalampasan na niya ang laban sa pneumonia.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, ipinakita ni Ate Gay ang ilang larawan na magpapatunay na hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan.

Sa before-and-after photos na kaniyang ipinost, makikita ang mga pamumula sa kaniyang binti at tila nagsugat-sugat ang kanilang labi.

“Nagpagaling nagpalakas… tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay,” saad ni Ate Gay sa caption.

 

Nagpagaling nagpalakas .. tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay .. sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito ..buti daw at ginusto kong gumaling ...

Posted by Gil Aducal Morales on Sunday, April 18, 2021

 

“Sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito… buti daw at ginusto kong gumaling,” dagdag niya.

 

Isa ito sa tiniis ko.. na nalampasan ko....tiniis kong kumain para mabuhay salamat sa lugaw champorado sopas na bumuhay sa akin ng 20days .maraming salamat Lord

Posted by Gil Aducal Morales on Sunday, April 18, 2021

 

Sa Tiktok video naman nitong Lunes, makikitang inaawit ni Ate Gay ang "All I Ask” ni Adele.

“Magaling na ako,” aniya. "Thank you Jesus."

May nakatutuwa rin siyang video nang awitin ang "I Am What I Am" na tila sabit na muling magtanghal.

"Naiinip akooooooooh," saad niya sa caption.

 

Marso 25 nang maospital si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, matapos malaman na mayroon siyang pneumonia.—FRJ, GMA News