Agaw-pansin sa mga tao at maging sa social media ang ginawang paglalakad ng isang lalaki na mula Los Angeles patungong San Francisco, California habang suot ang "Bearsun" costume.

Sa ulat ng Reuters, kinilala ang lalaki na nasa loob ng costume na si Jesse Larios, na naglakbay ng 400 milya.

Ang ilang tao na nakabalita sa kaniyang ginawa, sinadyang abangan siya para magpakuha ng larawan.

"It was an impulsive decision for sure. I didn't plan it out. I had the basics down. I was like ok, cool, I'm going to walk," sabi ni Larios, na siyang nagdisenyo ng costume.

 

 

Si Crystal Gomez, residente ng Gilroy, California, sumakay ng kotse kasama ang mga anak para abangan si Lirios.

"I wanted to see what it was about, so I loaded up the kids and my mom and my sister and we found him," ayon kay Gomez.

"It's cool that the kids got to see this because you know that's a far walk from LA to San Francisco, so yeah. I just think it's amazing," dagdag niya.

Gumawa rin si Larios GoFundMe page para makalikom ng pondo na ibibigay sa charity.

Plano nitong magsagawa ng botohan upang alamin ang mga tao kung saan ibibigay ang malilikom na pera. --Reuters/FRJ, GMA News