Hindi na pang-lalaki lang ang mundo ng online gaming dahil marami na rin ang mga babaeng palaban sa laban. Pero ang ilang lady streamer ngayon, binabatikos dahil sa kanilang mga suot habang naglalaro na kita ang kanilang cleavage.

Kabilang sa maituturing may pagka-sexy ang image bilang game streamer sina Miss Rapsy at Kaysee.

Hindi naman nila itinanggi na kasama sa dahilan ng kanilang pagpapaseksi ang makakuha ng mas maraming viewer.

Gayunman, idinepensa nila ang kanilang ginagawang pagpapakita ng cleavage online. Pero kapag nasa pampublikong lugar, balot naman daw ang kanilang katawan.

Sa kabila nito, may mga hindi pa rin natutuwa sa kanilang estilo dahil naapektuhan at nababastos daw maging ang ibang babaeng streamer.

Dapat bang bigyan ng malisya ang image na napili nila o dapat igalang ang karapatan nila sa kung anong nais nilang gawin sa sarili nilang katawan?

Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News