Ipinagluluksa ng entertainment industry, pati na rin ng iba pang mga personalidad, ang pagpanaw ng batikang entertainment columnist na si Ricky Lo sa edad na 75 nitong Martes.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si AiAi delas Alas ng larawan na magkasama sila ni Ricky, na may hawak na rosaryo, habang inaalala niya ang kanilang pagkakaibigan.

Naroon din ang bahagi ng kanilang usapan na pinupuri siya ng columnist.

"One of my REAL FRIEND in the INDUSTRY ... pahinga ka na friend. Rest in peace .. salamat sa ating pagkakaibigang punong puno ng respeto sa isat isa .. sobrang nalungkot ako nabawasan na naman kaibigan ko ...bihira pa naman makakita ng totoong kaibigan sa mundong kinagagalawan naten .. hayzz (sad emoji) " sabi ni AiAi.

 

 

Si Richard Yap naman, hindi makapaniwalang nakausap pa niya si Ricky para sa kaniyang article, dalawang linggo bago ito mamaalam.

 

 

Ilan pang Kapuso stars, at GMA News personalities ang naghayag ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong kolumnista.

 

 

 

 

 

 

 

Kinumpirma sa Facebook post ng pahayagang Philippine Star ang pagpanaw ni Ricky.

"Ricky Lo popularized the decades-long Funfare column in The Philippine STAR, and was a highly respected journalist in showbiz circles," saad sa post.

Kilala si Ricky sa kaniyang mga scoop pagdating sa mga balita tungkol sa mga celebrity.

Dati ring naging co-host si Ricky ng showbiz talkshow ng GMA 7 na "Startalk," at naging co-host din sa comedy talk show na "CelebriTV." --FRJ, GMA News