Umalis ng Pilipinas si Sharon Cuneta na hindi kasama ang kaniyang pamilya.

Sa Instagram post ng Megastar, makikita ang larawan ng kaniyang passport at may nakaipit na plane ticket.

"I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents," saad niya sa caption.

"I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me," patuloy niya.

 

 

Hindi binanggit ni Sharon kung saang bansa siya magpupunta at kung gaano siya katagal mawawala sa Pilipinas.

Pero sa isa pang post, napag-alaman na sa Los Angeles, California ang punta niya.

Nag-post din siya ng mga larawan habang nagpapaalam sa kaniyang asawang si Senador Kiko Pangilinan at sa kanilang mga anak.

 

 

—FRJ, GMA News