Inihayag ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters na magkakaroon na sila ng baby ng nobyong si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Sa Instagram, nag-post ang beauty queen-turned tv host ng kaniyang topless photo sa beach at makikita ang baby bump.

“18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea,” saad ni Rachel sa caption.

 

 

Taong 2019 nang maging engaged sina Rachel at Villafuerte.

Ipinagpaliban nila ang kanilang kasal dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Dinagsa naman ng pagbati si Rachel, maging mula sa mga kapwa niya beauty queen na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Earth 2013 Megan Young, Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, at Miss Intercontinental Philippines 2015 Christi McGarry. —FRJ, GMA News