Hindi nabigo ang "ARMYs" sa ibinuhos na suporta sa social media para sa kanilang idolong "BTS," na itinanghal na Top Social Artist sa 2021 Billboard Music Awards.

Nakamit ng K-pop group ang ikalima nilang panalo sa naturang kategorya laban sa BLACKPINK, Ariana Grande, Seventeen, at sa pambato ng Pilipinas na "SB19."

Ang “Congratulations BTS,” “Top Social Artist” at “BBMAs,” ang naging pinapinag-usapan topic sa Twitter nitong Lunes, kasunod ng selebrasyon ng ARMYs sa kanilang panalo sa social media.

Hindi naman kinalimutan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook na pasalamatan ang kanilang fans sa pamamagitan ng isang video message na naging viral din viral online.

Napanalunan din ng BTS sa BBMA ang Top Duo/Group, Top Song Sales Artist, bukod sa Top Social Artist.

Top Selling Song din ang “Dynamite” ng BTS, at binabasag ng bago nilang single na "Butter" ang kanilang sariling mga record sa dami ng views ng music video nito online.

Ang “Top Social Artist” ang isa fan-voted categories sa Billboard Music Awards. ARMYs ang tawag sa mga sumusuporta sa BTS. —FRJ, GMA News