Nagbigay ng kaniyang emosyonal na mensahe si Gabby Concepcion sa pagtatapos ng lock-in taping ng pinagbibidahan niyang series na "First Yaya" ni Sanya Lopez.

"Projects will come and go but real friendship will last a lifetime," saad ni Gabby sa kaniyang Instagram.

"Lock in taping is not a bad thing after all. It's actually one of the BEST THINGS that happened in this New Normal. We MADE IT. CONGRATS TEAM!" pagpapatuloy ng veteran actor.

Kasama ng post ni Gabby ang clips ng ilan sa mga masasayang moment at bonding ng cast.

 

 

Leading lady ni Gabby sa series si Sanya, at kasama rin sa cast sina Sandy Andolong, Gardo Versoza, Maxine Medina, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Pilar Pilapil, Kakai Bautista, Cai Cortez at Analyn Barro.

Ang First Yaya ay tungkol sa nanny na si Melody, na naatasang alagaan ang mga anak ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta, at dito uusbong ang kanilang relasyon.--FRJ, GMA News