Kasabay ng paglilinaw ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo tungkolsa  tunay na namamagitan sa kanila ni Andre Brouillette, ipinahiwatig din ng Pinay beauty queen na mali ang mga hinala na break na sila ng kaniyang nobyong si Neil Salvacion.

Umugong sa social media nitong Miyerkules ang mga haka-haka na hiwalay na sina Rabiya at Neil, matapos mawala ang mga larawan ng dalaga sa Instagram account ng binata.

Nasundan pa ito ng post ng larawan na kasama ni Rabiya si Andre sa Amerika.

Pero sa Instagram stories ni Rabiya, ipinost niya ang larawan nila ni Andre na may kasamang #Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator at #ImNotAvailable.”

Bukod dito, nagkomento rin si Rabiya sa post na larawan ni Niel habang nagpapaaraw sa isang beach sa Batangas.

 


“vacSEAnated,” saad ni Niel sa caption.

Nagkomento rito si Rabiya na “payat siya eh,” at sumagot naman si Neil na “sinegwelas for days.”

Matapos sumabak sa Miss Universe pageant, nananatili muna si Rabiya sa Amerika para mag-relax at mamasyal.--FRJ, GMA News