Isang buwaya na may habang 10 talampakan ang nakitang patay sa Puerto Princesa sa Palawan at hinihinalang nalunod nang makulong sa lambat.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nakita ang buwaya na isang saltwater crocodile, na nasa lambat ng isang inabandonang barkong pangisda ng China.

Ayon sa tagapagsalita ng Palawan Council for Sustainable Development,  maaaring nalunod ang buwaya dahil tumatagal lang daw ang mga ito sa ilalim ng tubig sa loob ng dalawa hanggang apat na oras.

Pinagtulungan naman ng mga awtoridad at mga residente na ilibing ang buwaya.--FRJ, GMA News