Kahit hindi nakasama ni Josh Aquino ang inang si Kris at kapatid na si Bimby sa pagdiriwang ng kaniyang ika-26 na kaarawan sa Tarlac, napuno pa rin naman ng sorpresa at saya ang binata.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng video sa naging selebrasyon ni Josh ng kaarawan nito sa kanilang lalawigan sa Tarlac na mas pinili ng binata na manirahan.

Sa halip na tumanggap ng regalo, nagbigay ng grocery items si Josh sa mga kababayan doon.

Sa caption, inihayag ni Kris ang pagmamahal sa kaniyang panganay na inamin niyang dumating sa kaniyang buhay noong panahon na hindi pa siya handang maging ina.

Pero si Josh din umano ang tumulong sa kaniya "[to] grow up."

"In many ways Kuya Josh helped me grow up. He was just 3 years old when it became just the 2 of us," ani Kris.

Sinabi pa ni Kris na hindi niya inilihim sa publiko na may special need ang anak at madalas ma-bully.

Gayunman, mas marami umano ang nagtatanggol kay Josh.

"'Mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso niya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi niya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto," ani Kris.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

"For Kuya [Josh], kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli niya," patuloy niya.

Ipinaabot din ni Kris ang pasasalamat sa mga taong sumuporta at tumanggap sa kanila matapos niyang iluwal si Josh.

"I’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws and strengths 4 months after I gave birth to my panganay," sabi ng aktres.

"Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos [All that we have came from the job you supported. While we still can, we will continue to give back the blessing you gave the 3 Aquinos.]," saad ni Kris. "Happy birthday, Kuya Josh, we love you...Buti pa ang Tarlac at si Kuya- may FOREVER!

Nitong nakaraang buwan, tuluyan nang pinayagan ni Kris si Josh na tumira sa kanilang lupain sa Tarlac dahil ito ang gusto ng binata.

Sa mga nakaraang pahayag ni Kris, sinabi niya na Disyembre nang unang manirahan sa Tarlac si Josh ay nagustuhan ito ng anak dahil mas malawak ang kaniyang lugar na nalalakaran at maganda ang paligid.

Hindi man niya kasama ang ina at kapatid, makikita ang saya ni Josh sa kaniyang kaarawan lalo na nang makita ang sorpresang regalo na golf cart.

Si Josh pa mismo ang nag-drive nito.

Sa video, sinabi ni Josh na happy siya nang makausap si Kris sa video call.—FRJ, GMA News