Nakapasok si Kisses Delavin sa Top 100 ng Miss Universe Philippines 2021, kung saan makakatunggali niya si Asia's Top Model Maureen Wroblewitz at iba pang aspiring beauty queens.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing bago nito, nagiging usapan na ang pagsali ni Kisses, o Kirsten Danielle Delavin, sa pageant.

Gayunman, nanatiling tahimik sa social media ang Kapuso actress tungkol dito.

Nagmula sa Masbate si Kisses, at napanood sa Kapuso shows na "Dear Uge," "Daig Kayo ng Lola Ko" at "All Out Sundays."

Filipino-German model naman si Maureen na kilala sa pagkakapanalo niya bilang Asia's Next Top Model noong 2017.

Bukod kay Maureen, makakaharap din ni Kisses si Miss Globe 2019 second runner-up Leren Mae Bautista.

Mula sa Top 100, mababawasan ang mga kandidata sa pagpili ng Top 75, Top 50, hanggang sa matira na lang ang Top 30 na silang papasok sa coronation night.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News