Magsasama sa isang proyekto sina Kylie Padilla at Andrea Torres, at tila mayroon silang kissing scene.

Sa Instagram, nag-post ang dalawa ng ilang larawan nila habang nasa isang madilim na lugar at nasa akmang maghahalikan. 

“Ubos na ba? Wala bang natira sa tayong dalawa? Matagal-tagal din tayong sumaya,” saad ni Andrea sa caption ng post.

 

 

Si Kylie naman, lyrics ng kanta ang inilagay: “Isisigaw ang ngalan mo’t magpapakalunod sa pulang kabayo. Tamaan ka naman, oh, pusong hindi makapagpaalam.”

 

 

Kapwa may hashtag #BetCin ang kanilang post at naka-tag ang Rein Entertainment.

Nitong Lunes, nag-post din si Kylie ng larawan na tila sa isang bagong proyekto rin habang nasa ibabaw ng isang 4x4 vehicle. – FRJ, GMA News