Huli sa security camera sa Sierra County, California ang ginawang pagbukas ng oso sa pinto ng isang nakaparadang sasakyan na pag-aari ng isang opisyal.

Sa video ng Reuters, makikita ang pagdating ng isang oso at dahan-dahan itong lumapit sa isang nakaparadang kotse.

Kaagad niyang nabuksan ang pinto sa hulihan ng kotse at pumasok pa siya.

Pero lumabas din ang oso kinalaunan na wala namang natangay.

"The next morning, when the officer got in her car to go home, she was puzzled to notice the door ajar light illuminated. She confirmed the rear passenger door was not fully latched," ayon sa Sierra County Sheriff's Office.

"Knowing the door had not been ajar when she went to work the previous evening, she took a look through the security footage and discovered the culprit," dagdag nito.

Napag-alaman na nangyari ang insidente noong June 6.--FRJ, GMA News