Isang bagong silang na sanggol ang nakita ng mga residente sa gilid ng kalsada sa Goa, Camarines Sur.

Sa ulat ni Charm Ragiles sa GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabi ng mga nakakitang residente na nakabalot sa tela ang sanggol at iniwan sa pagitan ng mga sako na may laman na buhangin.

Hindi pa tukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at sino ang ina nito.

Pero bago na nakita ang sanggol, may nakita raw na isang babae na hindi kalayuan sa lugar na umiiyak.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ang mga magulang ng bata.

Dinala sa ospital ang sanggol para masuri at isasailalim siya sa pangangalaga ng municipal social workers.--FRJ, GMA News