Umabot na sa mahigit P203.1 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes, Oktubre 19, 2021.

Pero sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lumitaw na walang tumama sa lumabas na number combination na 16-32-50-22-28-35.

Kasabay nito, wala ring nakasuwerte sa isa pang draw na Superlotto 6/49 na mahigit P87 milyon naman ang premyo.

 


Ang lumabas na mga numero sa Superlotto 6/49 ay 43-32-39-31-34-13.

Umabot naman sa mahigit P25 milyon ang premyo sa Lotto 6/42, pero wala ring tumama sa lumabas na kombinasyon ng mga numero na 26-25-28-39-16-32.-- FRJ, GMA News