Sa TikTok, lahat pantay-pantay. Walang mayaman at walang mahirap, sikat ka man o hindi, basta may ibubuga, gora lang. Tulad ng mga small but terrible TikTokerists na sina Renz at Colyn.

Mula sa Antique si Renz, na may kondisyon na kung tawagin ay dwarfism. Ayon sa kaniyang ina, ipinaghili daw niya ang anak sa imahen ng Sto Nino.

Pero hindi hadlang kay Renz ang kaniyang pagiging maliit para hindi magawa ang ginagawa ng ibang Tiktokerists tulad ng pagsasayaw.

At huwag ismolin si Renz dahil hindi malamig ang kaniyang Pasko sa piling ng kaniyang minamahal na Ivy.

Tulad ni Renz, mayroon ding kondisyon na dwarfism ang pitong taong gulang na si Colyn, na namana niya sa kaniyang ama.

Pero kahit maliit, handang makipagsabayan si Colyn sa paggiling sa lambot ng kaniyang katawan.

Katunayan, may naki-stitch pa sa sayaw ni Colyn— ang certified Tiktokerist na si Niana Guerrero.

Ngunit sa kabila pala ng pagiging masayahin ni Colyn, may mga pagsubok na siyang pinagdadaanan sa buhay. Tulad ng paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.

Sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," kilalanin pa lalo at alamin ang buhay ng mga buliliit lodi na sina Renz at Colyn.

--FRJ, GMA News