Kinagiliwan ng netizens ang "smooth like butter" na performance ng BTS ng kanilang hit na "Butter." Pero hindi ito ginawa sa stage, kundi sa isang intersection habang red light pa sa Los Angeles.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nakunan ito ng Filipino-American news anchor na si Cher Calvin.

Bago nito, nakita na niya ang BTS na naghihintay sa sidewalk pagkarating niya sa intersection.

Sinundan ito ng isang front scene sa BTS performance ng kanilang "Butter," kung saan hinawakan pa ni V ang hood ng kaniyang kotse.

Natapos ang performance ng grupo bago mag-green light.

Ang performance ng BTS ay para sa Crosswalk Concert segment ng The Late Late Show with James Corden sa US.--Jamil Santos/FRJ, GMA News