Ibinabahagi ng mag-asawang Ilonggo ang diwa ng Paskong Pinoy sa Ottawa, Canada sa pamamagitan ng mga ginagawa nilang parol.

Kuwento ng mag-asawang Jemlyn at Melita Demegillo, taong 2012 nang ipetisyon sila ng kaniyang anak na sa Canada na manirahan para magkakasama na sila.

Papaano kaya nila ipinagdiriwang ang Pasko sa Canada at anong mga materyales ang ginagamit ni Mang Jem sa paggawa ng mga parol na ginagigiliwan ngayon doon? Panoorin ang panayam sa kanila ng GMA Regional TV.

--FRJ, GMA News