Sabay na tinanong sa programang "Mars Pa More" sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco kung nagkabalikan na nga ba sila.

Pero naging magkaiba ng ibinigay na sagot nina Jennica at Alwyn sa sabay din nilang sagot.

"Yes!" ang isinagot ni Alwyn pero si Jennica, "No" ang naging tugon.

Ipinaliwanag naman ni Jennica ang kaniyang naging sagot.

"It's too early to say eh. We're on the same page. Of course we are believing in God for our marriage to work. It's just that, there's so much healing that needs to happen," sabi ni Jennica.

Pag-amin ni Jennica, gusto niya rin munang magkaroon ng healing sa kaniyang buhay.

"I still have unhealthy coping habits. So I'm really working on it," saad ng Kapuso actress.

Matatandaan nitong Mayo nang maibalita na naghiwalay ang mag-asawa.

Sa kabila nito, nag-post si Alwyn ng hangarin na muling mabuo ang kaniyang pamilya at humingi siya ng paumanhin kay Jennica.

Makalipas ng ilang buwan, sinabi ni Jennica na muli silang nag-uusap ng kaniyang asawa.

Sa isang post nito ring Disyembre makikita sina Jennica at Alwyn na masayang kumakain sa isang restaurant kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori and Alessi.

Taong 2014 nang ikasal sina Jennica at Alwyn.--FRJ, GMA News