Nagpositibo sa COVID-19 si Ina Raymundo, gayundin ang kaniyang mister at lima nilang anak.

Sa Instagram post ng aktres noong Sabado, ibinahagi ni Ina na gumaling na sa virus ang bunso nila ni Brian Portunak, na si Minka, at nakatutogtog na muli ito ng piano.

Ayon pa kay Ina, siya ang pinakahuling tinamaan ng virus sa pamilya. At nagpapasalamat siya na naalagaan niya ang kaniyang pamilya.

“We all got covid, my husband and 5 kids. Most of them have recovered but I just tested positive today,” saad niya.

“Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them,” dagdag ng aktres.

 

 

Hinikayat niya ang iba na maging kalmado lang.  Tumagal umano ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang mga anak.

“I treated all of them like they have the flu,” ani Ina.

“[Please] keep calm everyone. God is still in control," payo niya.—FRJ, GMA News.