Kasabay ng pagtanggi na buntis siya, nilinaw ni Kelley Day na hindi rin siya sa sangkot sa hinihinalang paghihiwalay ng isang celebrity couple.

Sa Instagram story niya ngayong Huwebes, sinabi ng actress-beauty queen na may mga taong nag-uugnay sa kaniya sa "certain rumor/blind item story" na naglalabasan.

"So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the controversy," giit ni Kelley.

"I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false," patuloy niya.

Ayon kay Kelley, hindi siya buntis at hindi siya nagkaroon ng "anything close to romantic involvement [or] interest with the person," gaya ng nais palabasin sa mga blind item.

Aniya, galing siya kamakailan sa UK dahil sa may kaanak siyang pumanaw at namalagi roon kasama ang kaniyang pamilya.

"I have, and always will have the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness," sabi ni Kelley.

"I hope this clears up the false rumors involving me," dagdag niya. "So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online."

Wala mang pangalan na binanggit si Kelley, pero ang paglilinaw ay ginawa niya matapos na magkaroon ng mga espekulasyon na may problema sa pagsasama ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Naging magkatrabaho sina Kelly at Tom sa katatapos lang na Kapuso series na "The World Between Us."

Wala pang pahayag sina Tom at Carla tungkol sa kontrobersiya. —FRJ, GMA News