Mahalaga para sa content creator na si Ralphe Austria na maging maganda para sa kaniyang shoot at para na rin sa kaniyang sarili. Pero kung minsan, panira ng araw niya ang whiteheads sa mukha at dry hair.

Sa programang "Good News," inamin ni Ralphe na nawawala siya sa mood kapag nakita niyang hindi maganda ang kondisyon ng kaniyang skin.

Pero sa tulong ng napanood niya sa TikTok, nagkaroon ng idea si Ralphe kung papaano maaalis ang white at blackheads sa mukha at magiging shiny at healthy ang hair--sa tulong ng itlog.

Ayon kay Ralphe, ang puti lang sa itlog ang gagamitin. Ipinapahid niya ito sa mukha at nilalagyan din ng tissue.

Sa buhok naman, puti ng itlog din ang ginagamit at hinahaluan ng virgin coconut oil.

Pero ligtas at epektibo nga ba ito? Alamin ang say ng eksperto at panoorin sa video kung papaano ito gagawin.

Paalala ng eksperto, hindi ito dapat gawin ng mga taong may allergy sa itlog. Panoorin ang buong talakayan.

--FRJ, GMA News