Masaya ang mga kaibigan ni Donita Rose nang ibahagi ng aktres sa Instagram post na, "I’m seeing someone."

Nag-post kamakailan ang aktres na naninirahan na ngayon sa Amerika, ng kaniyang selfie na may lalaki sa kaniyang likuran na bahagyang nakikita ang mukha.

Mapapansin din na tila nakangiti ang lalaki.

"I think it’s safe to say I’m seeing someone…," saad ni Donita sa caption.

 

 

Nagkomento naman ang ilang kaibigan ni Donita sa naturang post.

"Wow! Girl! I’m super happy for you," ani Ruffa Gutierrez

Biro naman ni Jackie Forster, "That only took 525,600 …years"

Pero may iba pang post si Donita sa mga sumunod na araw na makikita na ang mukha ng lalaki.

"My plus one for LA Fashion Week," anang aktres.

Sabi ni Rufa Mae Quinto sa post na nasa Amerika na rin ngayon, ""Nice."

Habang, "Yayyy!" naman ang masayang komento ni Mitch Madrigal, na naninirahan na rin sa Amerika.

Nitong Miyerkules, nag-post muli si Donita ng ilang larawan nila ng lalaki.

"The grass seems greener these days, or is it just me?" sabi ni Donita sa post na makikita sila ng lalaki na nakapuwesto sa damuhan.

 

 

Inihayag din ni Donita kinalaunan ang pangalan ng lalaking kasama niya sa mga larawan.

"I almost died laughing," ani Donita sa mga nakatutuwang komento sa post niya. "That’s @felsonpalad for you peeps."

Nakasaad na isang musical artist na nakabase sa California si Felson.

Sa isang post ni Felson sa kaniyang IG, tinawag niyang "my date" si Donita at sinabihan niya sa post na, "Hi crush."

Taong 2020 nang lumipad pa-US si Donita at doon na nanirahan. Corporate chef siya ngayon ng isang US-based Filipino supermarket.

Hiwalay na si Donita sa dati niyang asawa at mayroon silang isang anak.— FRJ, GMA News