Isa sa pangako ni Miles Ocampo sa mga dabarkads ng "Eat Bulaga" na paghuhusayin niya ang mga jokes niya. Mapatawa na kaya niya si Bossing Vic Sotto sa jokes niya tungkol sa aso?

Unang humirit si Miles tungkol sa aso raw niya na kailangan din daw ingatan dahil dinadapuan din ang mga ito ng COVID-19.  Katunayan, tinamaan din daw ng virus ang aso niya at ginamit niyang punchline ang  "puppytive," na tawag sa asong may COVID-19.

Kahit nasa bahay si Vic at wala sa studio gaya ni Miles, napahanap si Bossing pamalo na puwede raw tumagos sa split-screen.

Pero nag-follow-up pa ng tatlong jokes si Miles tungkol pa rin sa aso. Makabawi kaya siya kay Bossing at sa mga dabarkads? Panoorin ang natutuwang eksena sa video. --FRJ, GMA News